Tinapatan ng militanteng protesta ng mga kabataan sa pangunguna ng Kabataan Partylist-Katipunan ang lektura ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año sa Pebrero 21.

Ayon sa Kabataan Partylist-Katipunan, ang mga pasistang katulad ni Año na siyang mastermind sa all-out war ng rehimeng Duterte at maramihang paglabag ng karapatang pantao ay hindi dapat binibigyan ng puwang na magpalaganap ng kanilang mga kasinungalingan, lalo na sa akademya.

Bukod sa kanyang duguang kamay sa kasalukuyang gera kontra sa mamamayan ng rehimeng Duterte, si Año ay may malaki ding papel sa brutal na kampanyang kontrainsurhensiya na Oplan Bantay Laya I at II at Oplan Bayanihan sa ilalim ng rehimeng Arroyo at Aquino.

Si Año ang tinaguriang nasa likod ng pagdukot kay Jonas Burgos, aktibista at anak ng anti-Marcos at press freedom icon na si Jose Burgos, noong 2007 sa kalagitnaan ng maruming gera ng rehimeng Arroyo laban sa mga ligal na aktibista.

Bilang pinuno ng 10th Infantry Division, si Año ay may pananagutan para sa mga paglabag ng karapatang pantao sa Southern Mindanao noong 2014-2015. Siya ay responsable sa masaker sa Paquibato na pumatay ng 3 lider Lumad at sa patraydor na pagpatay kay Leoncio “Ka Parago” Pitao na kumander ng New People’s Army.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *