Matagumpay na naparalisa ang transportasyon sa buong isla ng Panay at Guimaras sa inilunsad na 2 araw na welga laban sa planong jeepney phaseout na sinusulong ng Department of Transportation (DOTr).

Umabot sa 97 porsyento ng mga jeepney, bus, at iba pang public utility vehicles ang lumahok sa welga: 100 porsyento na pagkaparalisa sa probinsya ang nakamit sa probinsya ng Iloilo, Guimaras, at Antique.

Pinangunahan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang kilos protesta laban sa phaseout na makakaapekto sa mahigit 24,000 jeepney driver sa kanlurang kabisayaan.

Umaayon ito sa pagsulong ng rehimeng Duterte ng neoliberal na programang nagpapaubaya sa sektor ng transportasyon sa mga pribadong korporasyon na siyang mangangasiwa sa ipaipatupad na fleet management system.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *