1

Sinalubong ng kabataan at mag-aaral ang pagbubukas ng klase ngayong Hunyo sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang kampuhan sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (Ched) upang iprotesta ang K-12 at patuloy na paniningil ng mga bayarin sa mga paaralan at pamantasan.

Bitbit ang panawagan laban sa pahirap na programang K-12, nilusob ng mga hayskul na mag-aaral at mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan ang punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City simula sa hapon ng Hunyo 5 kung saan sila nagkampuhan hanggang sa sumunod na araw.

Nagpatuloy ang kampuhan sa opisina ng Ched sa Quezon City sa hapon ng Hunyo 7 kung saan nanawagan ang protesta na itigil ang paniningil sa mga state universities and colleges (SUCs), itigil ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa 268 pribadong pamantasan, at ipatupad ang libreng edukasyon para sa lahat.

Maglulunsad ng mga protesta ang iba’t ibang grupo ng kabataan at mag-aaral sa pangunguna ng Anakbayan na dudulo sa malaking walkout sa Hunyo 30 at sa Hulyo 24, sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Nananawagan ang grupo para sa mas malalaking protesta laban sa tumitinding neoliberal na atake sa edukasyon at para sa isang tunay na makabayan, siyentipiko at pangmasang sistema ng edukasyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *