Marahas na binuwag ang piketlayn at inaresto ang 14 na kasapi at tagasuporta ng mga nagwewelgang manggagawa sa Shin Sun Tropical Fruits Corporation, isang plantasyon ng saging na pag-aari ng Koreanong kumpanya, noong Hunyo 2, 2017.

Mahigit 30 upisyal ng pulis, 100 tropang militar, at ilang bayarang eskirol ang bumuwag sa piketlayn. Kabilang sa inaresto ang dating Kilusang Mayo Uno Southern Mindanao regional chairperson at Nagkahiusang Mamumuo sa Suyapa Farm Union President na si Vicente Barrios.

Inaresto din si Pio Salar, pangulo ng Fresmax Workers Union, Eric Noble, ikalawang tagapangulo ng Shin Sun Workers Union, at Lanie Rose Millalos, 15, isang menor-de-edad. Kinaladkad naman ng mga pulis si Carmelita Atamosa, 67, kamag-anak ng isa sa mga manggagawa.

Kasalukuyan silang nakakulong sa Compostela Police Station kahit pa man walang naisasampang kaso laban sa kanila.
Ayon sa Anakbayan, ang pandarahas sa mga manggagawa ng Shin Sun, 380 kilometro ang layo sa Marawi, ay nagpapakita na ginagamit ang Martial Law upang supilin ang lehitimong laban ng mga manggagawa, magsasaka, Lumad, at iba pang mga sektor.

Mahigit 3 buwan nang nakawelga ang mga manggagawa ng Shin Sun bilang tugon sa iligal na
pagsibak sa 53 manggagawa at sa non-remittance
ng mga batayang benepisyo sa kabila ng pagtala ng mga deduksyon sa kanilang mga sahod.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *